Israeli police inimbitahan ng PNP na magsagawa ng pagsasanay sa Pilipinas kontra terorismo

Handa ang Philippine National Police (PNP) na tumanggap ng pagsasanay mula sa kanilang counterpart sa bansang Israel para lalo pang mapagtibay ang paglaban ng Pilipinas kontra terorismo.

Sinabi ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde matapos ang pagbisita nito sa Israel partikular sa Israeli Special Unit.

Ayon kay Albayalde, isa ang Israel sa mga bansang may pinakamakabago sa kanilang pagsasanay sa paglaban sa mga terorista bagay na nais ding tularan ng PNP.


Ayon pa sa opisyal, karamihan sa mga kagamitan ng PNP ay mula sa Israel lalo at natiligil na ang pagkuha nila ng mga kagamitan sa Amerika matapos na iutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naman, inimbitahan ni Albayalde ang kanilang mga Israeli counterpart para magsagawa ng pagsasanay sa mga Pilipinong pulis sa lahat ng kampo ng PNP sa buong bansa.

Facebook Comments