Hindi makikisawsaw ang Palayo ng Malacañang sa usapin ng wage increase petition ng ilang labor group kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day bukas.
Ito ang naging pahayag ng Malacañang sa harap narin ng petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines o TUPC na dagdagan ng 710 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa sa kasalukuyang 537 pesos na natatanggap ng mga nasa Metro Manila.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang lahat ng usapin na may kaugnayan sa wage increase ay nasa kamay ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board.
Paliwanag ni Panelo, alam ng Regional Wage Board kung ano ang makabubuti o hindi sa panig ng mga manggagawa at maging ng mga employers kaya ito ang may desisyon kung magkano ang dapat na itaas sa sweldo ng mga empleyado.
Sinabi din naman ni Panelo na malaya naman ang mga labor group na magsagawa ng mga kilos protesta hanggat hindi lumalabag ang mga ito sa anomang umiiral na batas.