Issue ng Dengvaxia hindi na dapat pulitikahin – Palasyo

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa lahat na tigilan nang gawing political issue ang kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine matapos sampahan ang ilang dating opisyal ng Pamahalaan na sangkot dito.

Pormal na kasing nagsampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang Department of Justice (DOJ) laban kina dating Health Secretary Janette Garin at iba pang opisyal ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pagkamatay ng ilang bata dahil umano sa Dengvaxia.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagsimula nang gumulong ang hustisya para sa mga biktima ng nasabing gamot kaya mas magandang itigil nang gawing political issue ang Dengvaxia.


Paliwanag ni Panelo, ito ay upang hindi na matakot ang mamamayan sa iba pang magagandang health programs ng Pamahalaan tulad ng iba pang bakuna.
Sinabi din ni Panelo na ito din ang magandang pagkakataon kina Garin at iba pang dating opisyal ng DOH na ipagtanggol ang kanilang sarili at linisin ang kanilang mga pangalan.

Tiniyak din naman ni Panelo na hindi sila makikialam sa usapin at hahayaan lang ang DOJ na gawin ang kanilang mandato.

Umaasa naman si Panelo na lalabas ang katotohanan sa issue at maibibigay ang hustisya sa mga biktima ng Dengvaxia.

Facebook Comments