Manila, Philippines – Isinisi ng Palasyo ng Malacañang sa Piloto ng sinasakyang helicopter ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino ang issue ng paglapag nito sa Ultra Stadium sa kalagitnaan umano ng isang Event doon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo. piloto ang may kasalanan sa paglapag nang walang clearance para ito ay maglanding.
Sinabi ni Panelo na bilang pasahero ay wala namang kinalaman si Dino sa landing ng kanyang sinasakyang chopper.
Mayroon din aniyang nakatakdang sunduin si Dino sa ultra at hindi naman aniya nito alam na mayroong nagpapatuloy na event doon.
Nagkataon lang aniyang pupunta si Dino sa CR habang hinihintay ang kanyang susunduin.
Giit pa ni Panelo na wala siyang nakikitang pananagutan ni Dino bilang public official sa nasabing issue.