Istratehiya para ipagtanggol ang interes ng Pilipinas sa WPS, palakasin ang militar – Esperon

Naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na mayroong isang istratehiya na kailangang gawin para maipagtanggol ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea, ito ay ang pagpapalakas ng militar.

Ito ang kanyang pahayag sa gitna ng pagbabalewala ng China sa panawagan ng defense at foreign affairs officials ng Pilipinas na umalis ang kanilang mga barko sa WPS.

Ayon kay Esperon, na siyang chairperson ng National Task Force for the West Philippines Sea (NTF-WPS), kailangang mapalakas ang kakayahan ng militar.


Aminado si Esperon sa hindi madali ang pag-modernize ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Patuloy na upgrading ng AFP sa pamamagitan ng pagbili ng mga modernong assets, kabilang ang bagong nabiling dalawang missile-capable frigates mula South Korea.

Facebook Comments