Istrikto sa paglisensya ng baril at hindi ang pag-aarmas ng sibilyan, ang makakapigil sa krimen

Mariing kinontra ni Senator Panfilo Ping Lacson ang ideyang pag-aarmas sa mga sibilyan para mapigilan ang krimen.

Giit ni Lacson, delikadong armasan ang mga sibilyan lalo na kung walang sapat na pagsasanay at maayos na pag-iisip.

“Arming civilians to fight criminality could backfire, especially if they don’t have the proper training and mindset,” ani Lacson.


Inihalimbawa ni Lacson sa Amerika kung saan maraming namamatay sa mga insidente ng pamamaril dahil sa loose firearm laws.

Ang mungkahi ni Lacson sa Philippine National Police (PNP) ay gawing mas istrikto ang panuntunan sa pagpapahintulot sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan o maaring pagkansela sa Permits to Carry Firearms Outside Residences.

“In the United States, there have been so many fatal shootings due to loose firearm laws…my idea was, after much-improved law enforcement and peace and order, the only ones authorized to carry firearms outside their residences are uniformed police and military personnel on official mission,” sambit ng senador.

Diin ni Lacson, mas epektibo nitong mapipigil ang paglaganap ng krimen sa halip na armasan ang mga sibilyan.

Facebook Comments