Istriktong pagbabawal sa home quarantine, balak ipatupad ng gobyerno

Pinag-aaralan ng gobyerno na i-ban ang home quarantine ng mga pasyenteng may COVID-19 para mapigilan ang transmission ng virus sa loob ng mga tahanan.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang kahalagahang mailabas sa bahay ang mga pasyente para hindi mahawa ang kanilang pamilya.

Aniya, may mga hotel naman kung saan maaari silang mag-isolate.


Pero exempted dito ang mga matatanda na hindi na maaari pang ilipat sa quarantine facilities.

Ayon sa kalihim, target na maipatupad ang polisiya ngayong linggo oras na maaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments