Istudyanteng Iranun nagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo

48

Muling pinatunayan ng isang Iranun at isang Bangsamoro ang angking talino ng mga ito matapos mamayagpag sa Graduation sa Ateneo de Davao noong April 6.
Ang pamilya rin aniya nito ang kanyang naging inspirasyon kung bakit nagsikap itong mag aral ayon pa kay Honee Aratuc Manalao Masurong, nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa Ateneo de Davao.
Si Honee ay anak nina Pahmia Aratuc Manalao-MASURONG at Kusain Masurong, kapwa mga taga Buldon Maguidanao.
Inaalay rin nito ang kanyang karangalan para sa kanyang pamilya, mga kababayan sa Buldon at buong Bangsamoro.
Si Honee ay valedictorian mula elementary hanggang high school sa RVM Cotabato.
Si Honee ay pamangkin ni Buldon Mayor Abolais Manalao.

Facebook Comments

From Advertisers