ISU ILAGAN, 100% PASSING RATE SA 2025 MIDWIFERY LICENSURE EXAMINATION

Cauayan City – Nakapagtala ng 100% passing rate ang Isabela State University (ISU)–Ilagan Campus para sa mga first-time takers sa November 2025 Licensure Examination for Midwives, ayon sa datos na inilabas matapos ang pagsusulit.

Mas mataas ang ISU-Ilagan sa national first-time takers’ passing rate na 76.54%, na nagpakita ng mataas na performance ng campus.

Kasama si University President Dr. Boyet L. Batang, kinilala ng pamunuan ng unibersidad ang resulta at binati ang mga pumasa sa pagsusulit.

Nananatiling isa ang ISU-Ilagan sa mga institusyong nagtatala ng mataas na performance sa licensure examinations sa buong rehiyon.

Facebook Comments