ISU, Naghahanda na para sa Pagbabalik ng Face-to-Face Classes

Cauayan City, Isabela- Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Isabela State University (ISU) ang muling pagbabalik ng face-to-face classes sa Lalawigan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Ricmar Aquino, Presidente ng Isabela State University (ISU), mayroon na aniyang abiso ang Commission on Higher Education (CHED) na maaari nang magsagawa ng face-to-face classes ang ISU kasunod na rin ito sa pagbaba ng status ng Isabela sa Alert Level 2.

Pero, nilinaw ni Dr. Aquino na sa muling pagbabalik ng F2F, 50 porsyento pa lamang sa mga mag-aaral ang tatanggapin sa loob ng klasrum habang ang kalahati pang porsyento ay itutuloy pa rin sa online.


Kinakailangan din aniya na makasunod ang isang estudyante sa mga ibibigay na requirements ng Unibersidad para sa muling pagpasok sa kanilang paaralan.

Ipatutupad aniya ang F2F Classes sa 2nd Semester ng school year 2021-2022 o sa darating na Pebrero sa lahat ng academic courses para na rin sa gagawing preparation ng bawat Unibersidad sa mga gagamiting classrooms ng mga estudyante.

Ayon pa kay Dr. Aquino, magsusumite na lamang ng sulat sa CHED ang pamunuan ng ISU kaugnay sa ipatutupad na F2F Classes.

Sa kabuuan, umaabot ani Aquino sa mahigit 40,000 na mga estudyante sa Lalawigan ang tinuturuan ngayon ng ISU.

Facebook Comments