Inihayag ni BGen. Audrey L Pasia, Pinuno ng 5ID Focal Point Committee, ang proyektong pananaliksik ay magiging malaking tulong upang mapanatili ang GBV-free na kapaligiran sa 5ID gayundin ang pagpapahusay sa kakayahan at impluwensya ng bawat Startroopers sa pagtataguyod ng GBV-free sa kanilang komunidad.
Aniya, makikipag-ugnayan ang 5ID GAD Technical Working Group sa ISU upang gawing posible ang proyekto habang patuloy ang mahigpit na pagsunod sa RA 9710 o ang Magna Carta of Women sa pamamagitan ng mga inobasyon, pananaliksik at pagsasanay.
Ang ginagawang pagsasanay tulad ng Gender Sensitivity, Gender Mainstreaming Evaluation Framework, Harmonized Gender, and Development Guidelines, Gender Statistics, at Gender Analysis ay ibibigay ng 5ID GAD Technical Working Group kasama ang ISU GAD para sa dagdag kaalaman at kasanayan sa Startroopers sa paghawak ng ilang partikular na isyu sa GAD.
Sinabi naman ni 5ID Commander MGen. Laurence Mina, muling pinagtibay ang pangako ng Command na wakasan ang gender-based violence.
Ayon pa sa heneral, aktibo silang lalahok at malugod na ibahagi ang mga pinakamahusay na kagawian sa iba pang mga kalahok na ahensya ng gobyerno at stakeholder upang maiangat at maipakita ang kahalagahan ng kampanya laban sa GBV.
Samantala, bukod sa 5ID, napili din ang National Police Commission, Local Government Units, iba pang State Colleges and Universities, at ang Regional GAD Committee ng Region 02 para lumahok sa research project laban sa GBV.