ISULAN BOMBING | Magkasunod na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat parehong gawa ng BIFF breakaway group

110

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na parehong kagagawan ng breakaway group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang magkasunod na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana may ilang elemento ang nagkakapareho sa magkasunod na pagsabog sa Isulan.

Ito ay ang pagtatanim ng Improvised Explosive Device (IED) sa mga matataong lugar at ang target ay pumatay ng mga inosenteng sibilyan.

Hindi naman matukoy sa ngayon ng PNP ang dahilan kung bakit nagiging target ng BIFF ang Isulan.

Posible aniya dahil nakakakuha sila ng atensyon sa media habang hindi naman masabi ni Durana kung may konesyon sa away sa relihiyon ang magkasunod na pagsabog dahil karamihan aniya sa mga nakatira sa Isulan ay mga kristyano.

Sa pinakahuling ulat naman ng PNP ay dalawa na ang naitatalang nasawi sa pagsabog.

Alas 10:15 aniya kaninang umaga ay namatay na ang isang biktimang nasa critical condition ito ay kinilalang si Marialyn Luda 15-anyos.

Facebook Comments