ISULAN BOMBING | PNP, naka-full alert status sa buong Mindanao

Isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ito ay matapos ang nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kung saarn dalawa ang naitalang patay habang 36 ang sugatan.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kanselado ang lahat ng days-off at leaves ng lahat ng mga tauhan ng PNP bilang tugon sa banta ng mga pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan.


Kasabay nito, ipinag-utos na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalagay ng dagdag na checkpoint sa ilang mga lugar para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

Facebook Comments