ISULAN BOMBING | Sultan Kudarat provincial govt, nag-alok ng P1-M pabuya

Sultan Kudarat – Nag-alok ng P1 milyong pabuya si Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu sa makakapagtuturo o makakahuli sa mga suspek na may kinalaman sa Isulan bombing.

Ayon kay Mangudadatu, nais niyang mas mapadali ang pag-aresto sa salarin ng pagsabog.

Sabi naman ni Police Superintendent Celestino Daniel, Chief of Police ng Isulan Municipal Police Station na mayroon na silang dalawang person of interest pero hindi pa nila ito pwedeng pangalanan dahil sa imbestigasyon.


Tiniyak rin ng provincial government ng Sultan Kudarat ang tulong pinansyal sa mga biktima lalo na sa dalawang binawian ng buhay dahil sa pagsabog.

Facebook Comments