ISUMBONG MO! | 2 pulis, inireklamo ng panggagahasa ng babaeng kanilang inaresto

31

Quezon City – Kalaboso ang dalawang pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang babaeng inaresto nila.

Kinilala ang nasabing mga pulis na sina PO1 Jayson Portugues at PO1 Severiano Montalban na kapwa nakadestino sa QCPD Station 4 sa Novaliches.

Inaresto ang dalawa matapos dumulog sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 22-anyos na biktima ilang araw matapos ang insidente.

Ayon sa biktima, hatinggabi noong November 3 nang maaresto siya kasama ang lima pang babae sa isang plaza sa Novaliches dahil sa illegal gambling.

Dinala raw sila sa Quezon City General Hospital sakay ng QCPD mobile pick-up na may numerong 188 para isailalim sa medical test.

Pero sa halip na ipa-medical kasama ng iba pang naaresto, pinaiwan raw siya sasakyan.

Sa loob ng police mobile ginahasa ni Montalban ang biktima na sinundan naman ni Portuguez na nag-utos pa sa biktima na magsagawa sa kaniya ng oral sex.

Matapos ang panghahalay, pinangakuan raw siya ng dalawang pulis na hindi na siya kakasuhan kapalit ng kanyang katahimikan.

Nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis na posibleng ma-dismiss sa serbisyo.

Agad ding ipina-relieve ni Eleazar ang unit commander ng dalawa.

Facebook Comments