Manila, Philippines – Sa kabila nang kaliwat kanang pagtaas sa presyo ng manok, bigas at ilang pangunahing mga bilihin.
Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga abusado at mapagsamantalang mga negosyante.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo hinihikayat nila ang mga mamimili na tumawag at magsumbong sa 1-DTI Hotline o (1-384).
Maaari din aniyang maghain ng reklamo ang mga consumers sa kanilang email address na ConsumerCare@dti.gov.ph.
Sinabi ni Undersecretary Castelo nakakatanggap sila ng mga reklamo hinggil sa overpriced na bentahan ng mga manok sa ilang pamilihan.
Sa pagtaya ng DTI nasa P140 hanggang P145 lamang dapat ang bentahan ng manok pero may ilan aniyang nagbebenta ng P170.
Paliwanag nito nasa P93 lamang ang presyo ng farmgate chicken at karagdagang P50 para sa traders at retailers kung kaya at sapat na ang P140 na presyo ng isang buong manok.
Sa ngayon hinahanap na ng DTI ang ilang traders at pagpapaliwanagin kung bakit umaabot sa P170 ang presyuhan ng isang buong manok sa ilang pamilihan.
Posible aniyang kasuhan ng profiteering ang mga mapang-abusong negosyante at aabot naman sa P1 million ang multa dito.