Maari ng isumbong ang mga tricycle driver sa DagupanCity na lalabag sa sobrang paniningil ng pamasahe, ayaw magsakay, overloading at kasama dito
ang pagiging bastos.
Ayon kay Dexter M. Bautista ng POSO Dagupan wala pa namang naitatalang
reklamo ukol dito ngayong buwan ngunit hinihikayat ang publiko upang maiwasan ang paglabag ng mga drayber.
Dagdag ng ahensya na maaring pumunta sa kanilangopisina at ireklamo o maaring magtext ng kanilang reklamo sa0920-492-9999 kalakip ang Mayor’s Permit Sticker number , reklamo at ang lokasyon.
Facebook Comments