Manila, Philippines – Hindi pinanghihinaan ng loob ang Department of Interior and Local Government at ang Consultative Committee sa pagsusulong ng Federalismo sa bansa.
Ito ay sa harap naman ng malamig na pangtanggap ng mga Pilipino sa usapin na base narin sa resulta ng survey kung saan huli ito sa mga dapat maging prayoridad ng Administrasyong Duterte.
Sa Briefing sa Malacañang ay Sinabi ni Atty. Randolph Parcasio, miyembro ng ConCom, maihahabol parin ang pagsusulong ng Federalismo sa loob ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mabibigyan ang Kongreso ng pagkakataon na matalakay ang isapin pagkatapos ng 2019 elections.
Naniniwala naman ni Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya na mayroon pang sapat na oras para ito ay matalakay sa susunod na sesyon ng kongreso.
Pero sa kabila nito ay aminado din naman ang DILG at ang Concom na matatagalan ang pagpasa nito dahil 90% ng mga mambabatas ay mula sa mga political Dynasties na ipinagbabawal naman sa nabuong draft ng federal constitution.
Umaasa parin naman ang DILG at ang Concom na magiging bukas ang pagiisip ng mga mambabatas sa Federal charter para umayos ang sistema ng pamamahala sa bansa.