ISUSULONG | Sen. Pacquiao, pangungunahan ang public hearings hinggil sa panukalang death penalty

Manila, Philippines – Magsasagawa ang Senado ng isa hanggang sa dalawang pagdinig bago isumite sa plenaryo ang panukalang ibalik ang death penalty.

Ang public hearing ay pangungunahan ni Sen. Manny Pacquiao dahil tumanggi si Justice and Human Rights Committee Chairperson, Sen. Richard Gordon na isagawa ito lalo’t tutol siya rito.

Ayon kay Pacquiao – isusulong niyang maibalik ang parusang kamatayan sa kabila ng public statement ng vatican na hindi ito katanggap-tanggap.

Ani Pacquiao – ang death penalty ay pinapahintulutan ng konstitusyon at maging ng bibliya.

Aniya, nakasaad sa bibliya na binibigyan ng kapangyarihan ang mga awtoridad o gobyerno na magpatupad ng death penalty sa henious crimes partikular sa drug trafficking, rape with murder, kidnapping for ransom, at robbery with murder.

Matatandaang lusot na sa kamara ang bersyon nito ng panukala habang hinihintay na lamang ng Malacañan na maaprubahan ito sa Senado.

Facebook Comments