Isuzu Pick-up na Umararo sa Poste ng ISELCO sa Luna Isabela, Wasak ang Harapan!

Luna, Isabela – Wasak ang harapan ng isang Isuzu Fuego Pick-up matapos nitong araruhin ang poste ng ISELCO kaninang madaling sa kahabaan ng National Highway ng Brgy. Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang may ari ng nasabing sasakyan na si Axl Diaz Joshua, bente uno anyos at residente ng Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.

Sa imbestigasyong isinagawa ng PNP Luna, habang minamaneho umano ng biktima ang kanyang sasakyan patungong Cabatuan, Isabela ay biglang nabangga nito ang poste ng ISELCO kung saan ay halos isang metro ang iniurong ng poste matapos araruhin ng naturang sasakyan.


Sa resulta ay halos wasak ang harapan ng sasakyan at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na dinala naman agad sa Dr. Esther Garcia Hospital sa San Fermin, Cauayan Isabela.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng otoridad ang dahilan ng nasabing aksidente.


Facebook Comments