Iginiit ni Senator Francis Kiko Pangilinan, makabubuting tigilan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ungkat sa Mamamasapano incident at hayaan na lang magpatuloy ang proseso hinggil dito ng hukuman.
Diin ni Pangilinan, siniyasat na ng Senado ang usaping ito kung saan nakasuhan na ang mga kinauukulan at nasa korte na ang kaso.
Para kay Pangilinan, maituturing na pamumulitika ang paninisi ng Pangulo kay dating DILG Secretary Mar Roxas sa pagkamatay ng 44 tauhan ng Philippine National Police Special Action Force sa Mamasapano encounter.
Naniniwala din si Pangilinan na ang paulit-ulit na pagbanggit sa mamasapano isyu ito ay isa ring paraan para iwasan ang mga mahahalagang isyung nakakaapekto sa mga Pilipino.
Tulad aniya ng kahirapan, kakulangan ng mga pagkakataon, galit sa panggigipit ng Tsina, at katiwalian sa maraming mga kandidato ng administrasyon.