ISYU KAUGNAY SA NAIPASANG P1.3B NA ANNUAL BUDGET NG DAGUPAN CITY, MULING TINALAKAY SA SP SESSION

Muling tinalakay ngayong araw sa regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ilan sa mga isyung nakapaloob sa pagkakapasa ng 1.3B pesos na annual budget ng lungsod.
Naghain ang mga konsehal mula sa mayorya ng isang manifestation na binubuo ng mga napansing iregularidad, mga hindi kanais-nais umanong kaganapan noong mga nakaraang session at isang motion ng kanilang pagpapahayag ng pag dis apruba sa minutes noong Sept. 26.
Dagdag pa ng mga ito na upang hindi na umano mangyari muli ang mga kaganapan sa loob ng SP Hall kung saan matatandaan na naging usap-usapan ang isyu kaugnay sa mga naipakitang tila kaguluhan sa pagitan ng mga miyembro ng SP.

Inihayag naman ng mga konsehal mula sa Minorya na mabigyan sila ng tamang oras para basahin at pag-aralan ang nilalaman ng kanilang inihaing manifestation at resolution. Hindi rin umano naging malinaw ang presentasyon ng Mayorya sa pagbigay ng joint manifestation.
Samantala, kabilang na rin sa agenda ang pagtalakay sa annual budget para naman sa taong 2024 na mas malaki ang halaga kumpara sa budget na laan ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments