Isyu kay dismissed Mayor Alice Guo, hindi dapat mahinto sa pagsibak kay dating Immigration Commissioner Norman Tansingco

Iginiit ni Senator Jinggoy Estrada na hindi dapat matigil sa pagsibak kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang isyu ng ginawang pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa.

Ayon kay Estrada, dapat na imbestigahan pa rin ng pamahalaan o ng Department of Justice (DOJ) kung sino ang nasa likod ng pagpuslit ni Guo palabas ng bansa.

Naniniwala ang senador na sinungaling si Guo matapos sabihin sa pagdinig ng Senado na walang tumulong sa kanya sa kanyang pagtakas.


Aniya, imposibleng walang Pilipinong nasa liko ng pagtakas ni Guo at pinakamalala pa aniya rito ang malaking posibilidad na mayroong government employee o official na tumulong sa kanya.

Hindi aniya magagawa ng mga Chinese na sila-sila lang na makapuslit ng bansa na hindi kumukuha ng clearances mula sa Immigration, Philippine Coast Guard at sa Philippine National Police (PNP).

Tungkol naman sa Chinese national na tumulong kay Guo na nagpahiram ng kanyang yate para makatakas ng bansa, sa kasalukuyan ay nasa Taiwan na ito ngayon at malabong makuha ng mga awtoridad.

Facebook Comments