Manila, Philippines – Posibleng matalakay sa Senado ang isyu ng Benham rise sa Miyerkules (March 29).
Magkakaroon kasi ng pagdinig ang Senate Committee on Economic Affairs sa panukalang batas na inihain ni Senador Sonny Angara na layong bumuo ng tatawaging Benham rise Development Authority.
Ayon kay Committee Chairman Sen. Sherwin Gatchalian, maaring maungkat dito ang namataang surveillance ship ng China sa Benham rise, kamakailan.
Giit ni Gatchalian, kailangan magsagawa ng pagdinig para mabigyang-linaw ang usapin.
Imbitado sa hearing ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.
Ang labing tatlong milyong ektaryang Benham rise ay kinilala ng United Nations noong 2012 na bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas.
Facebook Comments