Isyu ng confidential funds, muling naungkat sa ikalawang araw ng debate sa plenaryo ukol sa proposed 2024 budget

Sa ikalawang araw ng debate sa plenaryo ukol sa proposed 2024 national budget ay muling naungkat ang isyu ng confidential funds ng sumalang ang P5.05 bilyong pondo para sa Office of the Ombudsman.

Inusisa nina Gabriela Women’s Party-list Representative Arlene Brosas at Act Teachers Party-list Representative France Castro kung karapat-dapat bang bigyan ang Ombudsman ng confidential funds na tumaas sa P51.4 million.

Kanila kasing napuna na masyadong mababa ang output indicators ng anti-corruption programs ng Ombudsman kung saan naitala lang sa 21 percent ang case build-up nito.


Kaya giit nila dapat magsagawa ng proactive approach ang Ombudsman sa paglaban sa katiwalian tulad ng pinag-ibayong lifestyle check sa public officials.

Giit naman ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante, na siyang sponsor ng budget ng Ombudsman, karapat-dapat itong mabigyan ng confidential funds bilang isang investigative body.

Diin pa ni Abante, 2005 pa lang ay nakakatanggap na ng confidential funds ang Ombudsman at wala naging isyu sa paggamit sa nabanggit sa naturang pondo dahil nasusunod nito ang lahat ng requirements.

Inihayag din ni Abante, ang mensahe ni Ombudsman Samuel Martires na payag siyang alisan ng confidential funds kung makakasira ito sa integridad ng Ombudsman.

Facebook Comments