Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga miyembro ng kanyang economic team sa Malakanyang ngayong araw.
Sa pagpupulong tinukoy at bumuo ng economic policy directions para sa natitirang mga buwan ng taon hanggang sa unang quarter ng 2023.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, na kabilang sa natalakay ang mga usaping naka-aapekto sa bansa gaya ng inlfation, interest rates at foreign exchange.
Naglatag din aniya sila ng short, medium at long term sa pagtugon sa problema ng mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Kasama aniya sa ikinokonsidera ang pagpapatuloy ng mga programa sa pagbibigay ng subsidiya sa mga apektadong sektor.
Maliban kay Balisacan, kasama sa pagpupulong ang mga kalihim ng Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Bangko Sentral ng Pilipinas.