Nanindigan si Binmaley Mayor Pedro Merrera III na malinis at tapat ang kanyang pamumuno matapos ang isyu ng umano’y korapsyon sa kanyang administrasyon.
Ayon sa alkalde, makikita umano ng taong bayan ang tapat na pamumuno nito dahil wala namang isinampang kaso laban sa kanya sa ilang taon niyang pamumuno sa bayan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa opisyal, inilahad nito ang dokumento na nagsasaad ng paglalabas ng pera ng opisina ni bise alkalde taliwas sa pahayag umano na walang nagaganap release ng budget mula sa opisina.
Nanawagan din ang alkalde na iwasan ang mapanirang salita upang manaig ang transparency sa serbisyo publiko at nang hindi nililinlang ang taumbayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







