Isyu ng kwestiyunableng pagbili ng OWWA ng P1.2 million na hygiene kits, “isolated case” lamang

Maituturing na isang “isolated case” lamang ang isyu ng kwestiyunableng pagbili ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng napkins, hygiene kits at thermal scanners na nagkakahalaga ng P1.2 million.

Ito ang depensa ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac kung saan maliit na bahagi lamang aniya ng P8.9 billion na kabuuang nagastos nila noong 2020 ang naturang isyu sa pagbili at mataas din ang nakuha nilang credit rating mula sa Commision on Audit.

Sa ngayon, inatasan na rin aniya sila ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magsagawa ng internal investigation at magbigay ng rekomendasyon na ilalabas sa susunod na linggo.


Samantala, nagpaliwanag din ang Department of Agriculture sa COA sa pagsita sa kanila dahil sa kawalan ng dokumento sa ibinigay na hazard pay para sa kanilang mga regular na empleyado na nagkakahalaga ng P31.34 million.

Ayon kay Agriculture Secretary William DAR, nasagot na nila ang isyu na ito sa isinumiteng Consolidated Annual Audit Report.

Facebook Comments