Isyu ng legalidad ng Angkas, posibleng iakyat ng kamara sa Korte Suprema

Dudulog sa Korte Suprema si House Committee on Metro Manila Development chairman Winston Castelo para i-apela ang problema sa isyu ng legality ng ride sharing application na Angkas.

Ayon kay Castelo, isa ito sa mga gagawing hakbang sakaling hindi pa rin pumayag ang Department of Transportation (DOTr) na pahintulutan ang Angkas na makapag-operate muli.

Pero bago pa man umabot sa SC ang usapin na ito, umaapela na rin sina Castelo sa DOTr na bawiin ang kanilang petitsyon sa kataas-taasang hukuman laban sa Angkas.


Nabatid na enero 18 nang magpulong ang mga opisyal ng DOTr para pag-usapan ang Department Order na posibleng magpapahintulot sa ride-sharing app na ito na makapag-operate muli.

Magugunita na sa nakalipas na pagdinig sa kamara, ilang kongresista ang umapela na payagan na ang operasyon ng Angkas sapagkat nakakatulong ito sa mga commuters lalo pa at hindi pa rin naman nareresolba ang isyu sa trapiko.

Facebook Comments