
Hindi pa umano napapag-uusapan nina Chief Justice Alexander Gesmundo at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kaugnay sa isyu ng mga nawawalang sabungero.
Kamakailan nang sabihin ni Remulla na makapangyarihan at mapera umano ang itinuturong utak sa pagkawala ng mga sabungero ilang taon na ang nakakalipas.
Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na wala pang nagiging pag-uusap tungkol dito sina Remulla at Punong Mahistrado.
Ibinunyag ni Remulla na kaya umanong maimpluwensiyahan ng mastermind ang Korte at maging ang Kataas-taasang Hukuman.
Sinabi naman ni Atty. Ting na bukas si CJ Gesmundo na talakayin ang isyu sa pamamagitan ng inter-government agency meeting.
Facebook Comments









