Isyu ng pambabastos ng babaeng Chinese sa isang pulis sa MRT Boni Station, huwag nang palakihin – ayon sa DFA

Manila, Philippines – Huwag na raw palakihin pa ang isyu ng ginawang pagtatapon ng taho ng babaeng Chinese sa isang pulis sa MRT – 3.

Ito ang pahayag ni DFA Secretary Teodore “Teddy Boy” Locsin sa harap ng mga panawagang ipa-deport ang dayuhan.

Giit ni Locsin – ‘pathetic’ ang pagpapaingay o pagpapalaki sa insidente dahil posible din itong mangyari sa kahit sino at sa kahit saang lugar o bansa.


Matatandaang umani ng batikos sa mga pinoy ang ginawang pambabastos ng dayuhan sa pulis.

Nag-viral ang insidente makaraan itong i-post sa social media ng isang Pau Medias.

Facebook Comments