Isyu ng pangangamkam ng China sa ilang bahagi ng South China Sea, bahagya nang natalakay sa ASEAN Summit — PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bahagyang natalakay na sa ASEAN Summit ang isyu ng pangangamkam ng China sa ilang bahagi ng South China Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos, bagama’t hindi detalyado ang pag-uusap, umikot ang usapin sa general principles ng pagsunod sa rule of law at UNCLOS.

Pag-uusapan pa aniya ito ng mas detalyado sa mga susunod na aktibidad sa summit.


Dagdag pa ng pangulo, pinag-uusapan din ng mga ASEAN leaders kung paano matatapos ang sigalot sa Myanmar.

Samantala, halos lahat ng naging pulong ni PBBM sa summit ay closed-door meeting kaya hanggang sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng media na ilabas ng Malacañang ang mga naging interventions at talumpati ng pangulo sa unang araw ng ASEAN Summit.

Facebook Comments