Pinaaaksyunan ni Senator Robinhood Padilla ang isyu ng “power play” sa mga kaso ng sexual harassment na nangyayari sa trabaho o mga opisina.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass, tinukoy ni Padilla, Chairman ng komite, na mas matindi ang sexual harassment na ginagawa ng mga employer laban sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ng senador na hindi maikukumpara ang mga insidente ng sexual harassment na ginagawa ng mga employer at sa mga ganitong sitwasyon ay may “power play” o pang-aabuso sa kapangyarihan na nangyayari.
Ipinabatid pa ni Padilla, na nangyayari rin ang sexual harassment sa kanilang industriya na ginagalawan bilang mga artista.
Una rito, ayon sa Government Procurement Policy Board, mula taong 2016 hanggang 2021, mahigit 420 kaso ng sexual harassment sa trabaho ang iniulat sa Philippine National Police (PNP).