Isyu ng recruitment sa mga estudyante para sumapi sa NPA, hindi na bago – CHED

Hindi na bago para Commission on Higher Education (CHED) ang isyung recruitment sa mga estudyante para sumapi sa NPA.

Ayon kay CHED Chairman Prospero “Popoy” De Vera – ito ay isyu ng academic freedom na itinuturing na sagrado ng mga unibersidad.

Aniya – tungkulin ng mga guro na maging patas at balanse sa pagtuturo para masigurong hindi naaabuso ang academic freedom.


Sa panig naman ng CHED, iniisa-isa nila ang mga rehiyon sa bansa para mag-organisa ng forum at workshop sa lahat ng mga SUCs katuwang ang task force to end the local communist insurgency.

Layon nito na ituro sa mga propesor ang pagbibigay ng patas at tamang impormasyon sa mga estudyante.

Facebook Comments