Isyu ng umano’y Taas-Presyo ng Medical Grade Oxygen sa Tuguegarao City, Mahigpit na Binabantayan; FDA, Nagbabala sa mga Negosyante

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng actual price and supply monitoring sa mga Medical Grade Oxygens (MGOs) ang LGU Tuguegarao City kasama ang DOH, FDA at DTI Cagayan- Negosyo Center nitong martes, Setyembre 14, 2021.

Hakbang ito ng lokal na pamahalaan sa umano’y isyu ng pagtaas ng presyo ng oxygen na ibinebenta sa siyudad gayundin ang upang matukoy kung may sapat na suplay ng MGOs sa gitna ng tumaas na bilang ng COVID-19 cases.

Bilang resulta, apat na business establishment ang sinuri at binantayan ng Local Price Coordinating Council (LPCC).


Lumabas naman sa kanilang pag-iikot na tanging ang 50lbs Medical Grade Oxygen tanks ang mayroong suplay na naglalaro sa presyong P450 hanggang P500.

Sa kabilang banda, nagpaalala naman ang Food and Drug Administration Regional 2 sa mga business owners na sumunod sa panuntunan na ipinatutupad ng DOH Memorandum No. 2021-0223 o Updated Suggested Retail Price (SRPs) for emergency essential medicines and medical devices due to the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Health Event”.

Inabisuhan rin ang mga may-ari nito na kumuha muna ng doctor’s prescription bago bumili ng oxygen bilang karagdagang na suplay.

Samantala, napagkasunduan naman ng LPCC Tuguegarao City at iba pang ahensya ng gobyerno ang maiging bantayan ang presyo at suplay ng Medical Grade Oxygen (MGOs) dahil ang mga ito ay mahalaga sa panahon ng pandemya.

Facebook Comments