Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naayos na ang gusot sa pagkakaroon ng mga miyembro ng minoriya ng komite na kanilang pamumunuan.
Ayon kay Drilon, ang mayorya ang nagdesisyon sa pamumunuan nilang komite.
Habang napagkasunduan na nila kung ano ang gagawing pag-trato sa mga minority senators.
Gayunman, tumanggi na si Drilon na magbigay pa ng detalye na kaniya niyang ipinaubaya kay Senate President Vicente Sotto III bilang respeto sa kanilang napagkasunduan.
Una nang napa-ulat na sa apat na minority senators na kinabibilangan nina Drilon, Risa Hontiveros, Leila De Lima at Francis Pangilinan tanging si Pangilinan lang ang may pamumunuan na komite.
Facebook Comments