Ipinahayag sa naganap na budget briefing ng Department of Education ang ilang mga isyu, partikular ang kakulangan ng mga silid-aralan sa ikaanim na distrito ng Pangasinan.
Inihayag ng namumunong kongresista sa nasabing distrito ang pagsasaalang-alang ng kapakanan ng mga mag-aaral, hindi lamang upang matiyak ang kalidad na edukasyon, maging ang kanilang kaligtasan.
Ayon kay Agabas, kung conducive ang mga silid-aralan ay nararapat lamang umanong conducive rin ang pagkatuto ng mga estudyante.
Samantala, nangako naman si DepEd Secretary Sonny Angara na titignan ang planong pagsasagawa ng joint validation ng DepEd at DPWH Engineers upang mas maging maayos ang patutunguhan umano ng pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan sa mga eskwelahan sa distrito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









