Patuloy na pinag-uusapan sa bansa ang kontrobersiyang maanomalyang flood control projects at ang pagkakadawit na ng mga contractors, ilang mga opisyal mula DPWH, maging ilang mga pangalan sa pulitika.
Umaasa ang mga Pangasinenses na may kahahantungan ang mga isinasagawang pagdinig o paggulong ng imbestigasyon upang mapanagot umano ang mga sangkot sa harap-harapang korapsyon.
Kaugnay nito, nagbahagi rin ng mensahe si Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Archbishop Socrates Villegas ukol sa mga kinakaharap na isyu ng korapsyon sa bansa.
Sa kanyang ‘Gabay Turo’, sinabi nito na hindi lamang pera ang nawawala sa bayan, bagamat ang kaluluwa ng bayan ay lupaypay din, dahilan ang mga pagsasamantala, panloloko at pagnanakaw sa karapatan at kapakanan ng taumbayan.
Nanawagan din ito sa publiko na magbalik-loob sa Diyos at huwag umanong maging bingi at bulag sa katotohanan.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan, isa-isa nang ipinapatawag ang mga kontratista partikular ng mga natukoy na maanomalyang flood control projects, at patuloy na umaasa ang mga Pilipino na hindi lamang ito magtapos sa mga hearings at imbestigasyon, kailangan at nararapat din umanong may mapanagot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









