Matapos ang matagal na problema sa basura, “zero waste” na ang Municipal Transfer Facility sa Brgy. Banaoang, Mangaldan kasunod ng inireklamong tambak ng nangangamoy na basura.
Ayon sa lokal na pamahalaan, naging daan ang bagong kasunduan sa pagitan ng tanggapan at ng isang kompanya para sa waste management at paghahakot ng mga basura.
Umabot sa 73 dump trucks ang basurang tuluyang inalis mula sa pasilidad upang malinisan ang paligid at mawala ang masangsang na amoy na pinangangambahan ng ilang resdite
Ipinunto naman na isang malaking bahagi ng naturang problema ang kawalan ng garbage bins mula sa dating kontraktor dahilan ng pagkalat ng basura at ng hindi tumulo ang katas nito dahilan ng pagkalat at masangsang na amoy ng basura.
Sa kasalukuyan mayroon nang malalaki at industrial grade na garbage bins sa pasilidad na magiging pansamantalang imbakan ng basura upang maging selyado ang kalat at amoy sa paligid.
Bilang pangmatagalang solusyon, tiniyak na araw-araw na ang koleksyon ng basura at diretso itong ihahatid sa sanitary landfill sa Porac, Pampanga, upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga residente.










