Isyu sa pagka-Bise Presidente, maisasantabi na

Iminungkahi ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate na isantabi na sana ang isyu sa 2016 Vice Presidency ngayong naglabas na ng unanimous dismissal ang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Zarate, welcome sa Makabayan ang matagal nang hinihintay na pagbasura sa electoral protest ni Marcos laban kay Robredo.

Pero sinabi ng kongresista na panahon na rin para pagpahingahin na ang isyu dahil mahigit isang taon na lamang ay mag-eeleksyon na.


Dahil dito, makakapag-focus na rin nang husto si VP Robredo sa kanyang trabaho at hindi na magagambala pa ng mga aniya’y nagpapanggap na vice president.

Ganito rin ang posisyon ni AKO BICOL Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., kung saan ang mabigat na unanimous dismissal ng PET sa electoral protest ay magsasantabi na sa anumang duda sa pagkapanalo ni Robredo bilang Bise Presidente.

Facebook Comments