Isyu sa South China Sea, hindi binanggit; China, tiniyak ang pagpapairal ng diplomasya sa mga bansa sa ASEAN

Manila, Philippines – Iniwasan na mabanggit sa opening statement ng Pilipinas at China ang tungkol sa sigalot sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa halip ay tiniyak ni Chinese Premier Li Keqiang sa 20th ASEAN-China Summit ang pagbibigay prayoridad sa ASEAN sa pagpaairal ng diplomasya.

Tiniyak din ng China ang pagiging committed sa magandang ugnayan sa mga kalapit na bansa, pakikipagkaibigan at pagiging partner ng mga ito sa iba`t ibang aspeto ng pag-unlad.


Nangako din ang China na makikipagtulungan sa ASEAN para sa pagsasa-ayos ng komunidad na may iisang adhikain at magkatuwang sa responsibilidad.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na ang China-ASEAN Summit ay isang magandang oportunidad para i-assess ang kasalukuyang estado at direksyon ng magiging relasyon ng dalawang bansa.

Mababatid na ilang kritiko na ng Pangulo ang nanawagan na talakayin sa China ang isyu sa West Philippine Sea at pairalin ang soberenya at karapatan dito ng bansa.

Facebook Comments