Isyu sa South China Sea, matatalakay sa Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation na nakatakdang daluhan ni PBBM

Kabilang sa mapaguusapan sa nakatakdang Commemorative Summit for the 50th year of ASEAN – Japan Friendship and Cooperation na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang isyu sa West Philippine Sea.

Maliban sa South China Sea ay ilang mga international development din ang matatalakay sa nabanggit na event na may epekto sa ASEAN.

Tatalakayin din sa Commemorative Summit ang iba pang usapin kaugnay sa East China Sea, sitwasyon sa Myanmar habang mapag-uusapan din ang tungkol sa North Korea.


Ang mga ito ay bahagi ng session sa Summit kung saan paguusapan ang ASEAN-Japan relations, international at regional developments.

Inaasahan namang maglalabas ng joint statement kaugnay rito ang mga bansang kasali sa nasabing international event kasama na ang Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang pangulo, kasama ang Philippine delegation ay makikilahok sa ASEAN – Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit mula bukas Disyembre 17 hanggang 18.

Facebook Comments