Isyu sa South China Sea, natalakay sa pagbisita sa bansa ng New ZealandForeign Minister

Tinalakay sa pagbisita sa bansa ni New Zealand Foreign Affairs Minister Winston Peters ang hinggil sa isyu sa Indo-Pacific region, kabilang na ang South China Sea.

Nagpalitan ng opinyon sina Minister Peters at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo hinggil sa kahalagahan ng international law sa pagpapanatili sa kapayapaan at kaunlaran ng Indo-Pacific.

Partikular ang nakapaloob sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.


Napag-usapan din nina Manalo at Peters ang Status ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang hinggil sa lalo pang pagpapalago sa alyansa ng Pilipinas at New Zealand at ang paglaki ng Filipino community sa nasabing bansa.

Facebook Comments