Isyu sa suhulan sa Batangas Port na kinasasangkutan ng tauhan ng Coast Guard, ini-imbestigahan na

Ini-imbestigahan na ng Philippine Coast Guard ang sinasabing suhulan na kinasasangkutan ng isa nilang tauhan.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, iniimbestigahan na nila ang ulat na pinayagan ng isang coast guard personnel ang isang indibidwal na makatawid sa Batangas Port checkpoint patungong Oriental Mindoro kapalit ng 7 libong piso.

Nagbabala si Balilo na makakastigo ang nasabing tauhan ng PCG oras na mapatunayang guilty ito sa bribery case.


Bilang katuwang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, mahigpit na binabantayan ng PCG security personnel katuwang ang iba pang ahensya ang mga baybayin at sea ports.

Layon nito na maipapatupad ang mga kinakailangang pag-iingat kontra sa COVID-19.

Ang mga miyembro ng PCG District sa Southern Luzon Security Personnel, Boarding team, at Response team ay nagsusuot ng mga body camera bilang bahagi rin ng security measures.

Facebook Comments