Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na tumataas ang presyo ng ilang agricultural commodities gaya ng gulay dahil sa isyu sa supply.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, hindi sapat ang mga nagagawang agri products lalo na at hindi harvest season.
Bukod dito, ang supply ng karneng baboy ay apektado ng Africal Swine Fever outbreak noong 2019 kung saan napilitan ang mga local government units na ipagbawal ang backyard hog-raising.
Tinitingnan na ng DA ang imbentaryo ng lahat ng agricultural products sa bansa para malaman kung ang mga supply at presyo ay nagtutugma.
Facebook Comments