Isyu sa Taiwan Strait, posibleng pag-usapan sa ginaganap na 42nd ASEAN Summit

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na hindi maaaring maiwasan na hindi pag-usapan ang isyu sa Taiwan Strait sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ayon sa pangulo, lahat ng mga lider na kasapi ng ASEAN ay nababahala sa nasabing usapin.

Patuloy kasing inaangkin ng China na sakop ng kanilang teritoryo ang Taiwan.


Para sa pangulo, isa ito sa mahalagang usapin na dapat matalakay sa ASEAN Summit, may mga naging talakayan na aniya kaugnay rito isang taon na ang nakakalipas pero dahil maraming pagbabago ang naganap kaya dapat ito mapag-usapan.

Matatandaang sa official visit ni Pangulong Marcos sa Amerika, pareho silang nabahala ni US President Joe Biden peace at stability sa Taiwan Strait.

Facebook Comments