Isyu sa VFA at West Philippine Sea, mainam na talakayin ng Pangulo sa National Security Council

Hinikayat ni Senator Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na talakayin sa National Security Council ang isyu sa Visiting Forces Agreement o VFA at West Philippine Sea.

Ang National Security Council ay principal advisory board ng Pangulo ukol sa pambansang seguridad at kasapi nito ang gabinete at ang liderato ng Kamara at Senado.

Hinikayat din ni Gordon ang Pangulo na ipaubaya kina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pakikipagnegosasyon sa Estados Unidos kaugnay sa VFA dahil mas epektibo ang quiet diplomacy sa halip na magbitiw ng maaanghang na salita.


Bukod dito ay sinabi rin ni Gordon bagama’t nasa kapangyarihan ng Pangulo na magkaroon ng sariling estratehiya sa pagharap sa ibang bansa ay hindi nito maaaring pigilan ang Senado na magsalita.

Paliwanag ni Gordon, ang Senado ay co-equal branch ng ehekutibo at kabahagi sa foreign policy dahil sila ang nag-aapruba ng mga tratado.

Facebook Comments