Isyu sa VFA, pag-uusapan ng Pilipinas at Estados Unidos ngayong buwan

Nakatakdang magpulong ngayong buwan ang Pilipinas at Estados Unidos para plantsahin ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., inilalatag na niya ang mga usaping may kinalaman sa VFA para maiprisenta sa pulong.

Gayunman, tumanggi ang opisyal na idetalye ang mga lalamanin ng posibleng kasunduan ukol dito.


Matatandaang Nobyembre 2020 nang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong pasya na kanselahin ang VFA sa Amerika.

Facebook Comments