Bigong maresolba sa dalawang araw na bilateral meeting ng Pilipinas at Kuwait ang isyu sa suspensyon ng Kuwaiti government sa pag-iisyu ng entry at working visa sa mga Pilipino.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo Jose de Vega, ipinipilit ng Kuwaiti government na lumalabag ang Pilipinas sa kanilang batas.
Dahil dito, mananatili muna ang suspensyon ng visa issuance at entry ban sa mga Pilipino habang sinusubukang humanap ng Pilipinas ng “long-term solution” sa nasabing problema.
Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW), inirerespeto ng Pilipinas ang batas ng Kuwait.
Pero ipinaliwanag nila sa Kuwaiti government na ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas gaya ng pagtatayo ng shelters ay layon lamang na maprotektahan ang mga distressed OFW at iginiit na hindi ito labag sa kanilang bilateral labor agreement.
Nananatili namang bukas ang Pilipinas sa pakikipag-dayalogo sa Kuwait upang maresolba ang isyu.