Manila, Philippines – Perpektong pagkakataon ang ASEAN Summit para isulong ng Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia ang isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario – dapat ito pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan napapanahon na para igiit ang paborableng arbitral ruling habang ang Pilipinas ang chairman ng ASEAN ngayong taon.
Dagdag pa ni Del Rosario – magkaisa ang lahat ng ASEAN member states na kumbinsihin ang China na sundin ang international law.
Kung hindi aniya itutulak ng Pangulo ang usapin ng Spratlys sa ASEAN summit, malaki ang posibilidad na mawala ang impluwensya ng bansa sa rehiyon.
Sinabi naman ni foreign policy analyst Richard Heydarian – maraming oportunidad ang mawawala sa Pilipinas kung palalagpasin ang pagkakataon na pag-usapan ang isyu.
Ang ibang claimant countries ay nakinabang na sa pagkapanalo ng Pilipinas sa international court.
Paliwanag naman ni professor Jay Batongbacal ng UP Institute for Marine Affairs and the Law of the Sea – marami pa ang dapat pag-usapan gaya ng pag-address sa crisis mechanism at pag-preserve at pag-control sa mga habitants.
Sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas, inaasahang magagawa ang code of conduct ng ASEAN kung saan dito nakasaad ang mga panuntunan para sa mga bansang umaangkin sa West Philippine Sea.
Target na tapusin ito sa kalagitnaan ng taon pero wala pa ring nagpakakasunduan ukol dito.
DZXL558